NAKABABA na rin kaming tatlo sa lobby at una naming nakita roon ay sina Sir Francois, kuya Austin, kuya Victor at Chef Trevor na mga naka-board short katulad ni daddy Ukyo na kuya blue ang short niya at ang shirt naman ay naka-hawaiin shirt na blue rin, hindi lamang iyon dahil naka-shades din siya which is given dahil mataas ang sikat ng araw. “Miss Quence, ang ganda niyo po suot niyang dress. Anong tawag po dʼyan?” pagtatanong ni Chef Trevor sa akin. “Summer dress po, Chef Trevor,” sagot ko sa kanya. “Aganda po talaga mommy ko, tito Trevor. Mommy ko po siya tapos apawehas kami ng kulay ng damit namin, blue! Si daddy apalit lang niyan nang makita kami ni mommy na blue ang asuot namin. Selos siya sa akin.” Napatawa kaming lahat sa sinabi ni Orion. Totoo naman kasing black ang kulay ng

