TATLONG araw na ang nakakalipas nang putulin ni daddy Ukyo ang pagpapa-deliver ng alcoholic beverages ng Angeles Company sa lahat ng branch ng Silvestre Five Star Hotel and Restaurant. Hindi na rin umiilaw ang phone ko kada segundo dahil sa text message na natatanggap ko mula sa parents ko, kay Giovanni at Patricia. Siguro napagod na silang kulitin ako, mabuti naman kung ganoʼn. At, blinked at pinagmumura kasi sila ni daddy Ukyo. Sino pang magtatangka magtext muli sa akin at baka malutong na mura muli ang matanggap nila. “Mommy, bakit ka sad po? Apagod ka na po bang alagaan sina Uryu and Seiryu? Ako na po mag-aalaga sa kanila! Nandito rin po si ate Cassy and ate Faith kaya pahinga ka po muna. Sabi rin ni tito Francois pagod ka dahil asikaso mo rin bagong branch ng Orionʼs Haven po kaya ta

