BINALIKAN na namin sina kuya Deb and kuya Austin na naghihintay sa amin sa parking lot ng hospital. “Master Silvestre, Miss Quence, ano pong sabi ni Locked sa inyo? Maayos lang po ba ang kalagayan niyo?” pagtatanong ni kuya Deb sa akin. Pangalawa sa tsismoso rin siya, ano? Ngumiti lamang kami ni daddy Ukyo sa kanya. “Secret po. Bumalik na po tayo sa pamamahay at baka hinahanap na kami ni Orion,” sabi ko sa kanila at pinagbuksan na ako ng pinto ni kuya Austin kahit naka-big bike siya. “Naku, Miss Quence, hindi pa sinasabi sa amin. Wala naman pong masama about sa inyo?” usisa pa rin ni kuya Deb nang makapasok na kaming tatlo sa loob ng kotse. Umiling ako sa kanya. “Wala na po. Maayos po ang kalagayan ko. 100% okay po ako,” nakangiting sabi ko sa kanya. “Mabuti pong okay na kayo, Miss

