NAKALABAS na rin si Orion sa kanilang classroom. Nakita ako na ngang tumatakbo na siya papunta sa amin ngayon. “Mommy, ahintay ka ba atagal? Asabi ko sa iyo, huwag ka na po ulit asama sa school pawa hindi ka mag-wait sa akin at sa house na tayo maglawo!” Pinantayan ko si Orion at umiling sa kanya. “Never maiinip si mommy na maghintay sa iyo, Orion. Kaya tara na?” nakangiting sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin. Lumakad na kami palabas para pumunta sa parking lot. Pupunta pa kami sa office ni Mister Ukyo para dalhin ang lunch nila ni Sir Francois. “Mommy, saan tayo pupunta? Hindi po ito daan pauwi sa atin? Aalis po tayo? Saan tayo punta? Asabi ka po ba kay daddy? Baka alala siya sa ating dalawa! A pawanoid pa naman si daddy kapag awala tayo!” madaldal na sabi ni Orion at tumingin

