WALONG buwan na ang nakakalipas nang maipanganak ko ang aming kambal, na sina Seiryu and Uryu. Nakuha ko ang name nila sa favorite kong anime. Ang gwapo kasi ng mga iyon kaya sa kanila ko pinangalan ang twin namin. Hindi lang din naman Seiryu and Uryu ang name nila, may second name pa silang dalawa na Ace and Ice. Ang gwapo nga name nilang dalawa. “Mommy, si Uryu laging tulog kapag akita ko siya!” saad ni kuya Orion at hinawakan ang aking pisngi ni Uryu. “Baby pa po kasi siya, kuya Orion, kaya matakaw po siyang matulog,” sabi ko sa kanya. Tinutupi ko ang damit ng kambal. Iba kasi ang sabon na ginagamit sa kanilang damit. “Alam ko naman po iyon, mommy, pero kapag apunta ako rito si Seiryu ang laging gising at nakatingin sa akin. Parehas naman silang baby po. Ayaw yata ni Uryu sa akin, m

