NAKARATING na rin kami sa loob ng SM Fairview. Kumapit sa aking kamay si Orion habang tinatawagan ko si Angelica kung nasaan na siya. Nakalimutan kong hindi kami nag-usap kung saan kami magkikitang dalawa. “Mommy, agutom na po ako. Gusto ko sa pulang abuyog akain po.” Napatingin ako kay Orion nang sabihin niya iyon. Nakita kong hawak niya ang kanyang tiyan kaya tumango ako sa kanya. “Sure, Orion, lumakad na tayo papunta roon habang kino-contact ko si tita Angelica mo po, okay?” nakangiting sabi ko sa kanya. “Yehey! Akain ulit tayo sa abuyog! Gusto ko ng spaghetti nila, mommy, at fwied chicken!” pakantang sabi niya sa akin habang naglalakad kami. Dama ko namang nakasunod sa amin sina kuya Felipe and kuya Seb kaya gumiginhawa ang aking pakiramdam. Nang dumating kami sa pulang bubuyog ay

