TATLONG TAON ang nakalipas. Sa tatlong taon na iyon ay ang dami kong natutunan, mapa-hinanakit, masaya at malungkot na alaala at tandang-tanda ko pa rin. Pero, dahil doon ay tumibay ako... Naging malakas ako sa lahat ng bagay lalo na sa mga anak at pamilya ko. Sa tatlong taon na nakalipas, hindi pa rin nakakalabas sa kulungan sina Patricia, Mrs. Valdez and Mrs. Angeles. Si Mr. Valdez naman ay narinig kong nagkaroon nang maliit na hardware shop, hindi na talaga siya tinulungan nila lolo. Ang mga Angeles naman ay muling nabubuhay ang business nilang Wine and Bar nila. Ang connection namin ay talagang wala na. Mas mabuti na iyon para makapag-heal kaming lahat. Sa tatlong taon na lumipas para sa akin ay maraming nangyari, lumago ang business kong Orionʼs Haven: Team Pogi na may Shades, hin

