“Miss Quence, bihis na bihis, ha? Akala mo kasama ka sa school ni Young Master Orion? Kanina pa po nakaalis iyon papunta sa school!” malakas na sabi ni Chef Trevor sa akin nang makita niya ako. Naka-pants and loose shirt kasi ako na tinuck-in ko. Ang buhok ko naman ay hinayaan kong nakabagsak at kaunting makeup lamang ang nilagay ko sa aking mukha. “Alam ko po, Chef Trevor. Saka hindi po roon ang punta ko. Pupunta po akong SM Fairview para kitain ang best friend ko po,” sagot ko sa kanya. Napalunok ako nang mapatingin ako sa kitchen sink. Naalala ko ang nangyari sa amin ni daddy Ukyo kagabi. “Ah, akala ko hindi niyo alam na iniwan kayo ni Young Master Orion papuntang school,” nakangising sabi niya sa akin. Pinang-ikutan ko na lamang siya ng aking mga mata at kumain na ako ng breakfa

