KALAHATING oras naʼng dalhin namin si mommy dito sa room niya. Until now ay hindi pa rin siya nagigising, common naman daw ito ayon kay Locked na hindi pa nagigising ang pasyente agad-agad. “Master Ukyo...” Napatingin ako sa may pinto nang marinig kong bumukas iyon at nagsalita si Deb. “Why?” pagtatanong ko sa kanya. Nasa kabilang kama si Orion habang si Angelica ay lumabas para bumili ng makakain. Mag-a-alas onse na rin ng gabi. “Pinapatanong ni Trevor kung pʼwede kayong kausapin,” saad niya sa akin. Tumayo ako at hinarap siya. “Nasaan siya ngayon?” “Nasa labas po, hinihintay kayo.” Tinignan ko si Deb. “Dumito ka muna. Bantayan mo si Quence and Orion. Kapag bumalik na si Angelica, babalik tayo sa pamamahay para harapin ang mga walang hiyang magulang niya. Kaya na nilang managot s

