MALALIM na ang aking tulog nang may maramdaman akong tumatapik at bumubulong sa tenga ko. Nangunot ang noo ko at tinakpan ang tenga ko kung saan may bumubulong sa akin. Kinatatakutan ko ay baka may multo. “Mommy, wake up...” See? May bumubulong talaga. Pinilit kong magtulog-tulugan dahil natatakot akong idilat ang aking mga mata at baka multo ang makita ko ngayon. “Mommy, nagugutom ako... Wake up po,” bulong pa rin niya sa akin. Hanggang may pumiga na sa aking s**o, doon ay nagising na ako. Dilat na dilat na ang aking mga mata at hinahanap ang gumigising sa akin, inaasahan ko na si Orion ang bubungad sa akin baka kasi may kailangan siya, pero malaking version pala niya ang gumigising. “Hmm... B-bakit?” ungot na tanong ko sa kanya. “Inaantok pa ako, daddy Ukyo.” ungot ko sa kanya at

