“Good morning, Quence! Salamat sa warm welcome kahapon, ha? Siguro kung wala ka, baka hindi ganoʼn ka-warm ang welcome sa akin sa pamamahay na ito. Baka pumunta ako rito na walang nag-aabang.” nakangiting sabi ni ate Viviane sa akin. “Hindi ka naman importanteng tao, Viviane, para paghandaan ka. Kung hindi lang gusto ni Quence na handaan ka, walang kikilos sa amin.” “Tignan mo, Quence, ganyan ang ugali ng asawa mo! Salbahe, ʼdi ba? Mabuti na lamang hindi nahahawa si Orion sa kanya.” Napangiti ako sa sinabi ni ate Viviane sa akin. Mas matanda siya sa aking ng tatlong taon. “Wala pong anuman, ate Viviane. Um, kinakabahan din naman po ako kahapon. Huwag niyo lamang po intindihin si Mister Ukyo, ate Viviane,” pag-amin ko sa kanya. “Halata nga! Anong akala mo sa akin nangangain ng sister i

