KATATAPOS ko lamang kausapin si Liana sa telephone. Nang lapitan naman ako ni Sir Francois. Napatingin ako sa kanya at hinihintay ang sasabihin niya. “Need po ba ako ni Mister Ukyo, Sir Francois?” Ako na ang unang nagsalita sa amin. “Nahulaan niyo agad, Miss Quence. Yes po, pinapatawag po kayo ni Master Silvestre. May itatanong po yata siya about sa Orionʼs Haven na business niyo,” sabi niya sa akin. Napatango ako sa kanya at nilapag ang wireless telephone sa table. Aayusin ko sana ang pinagkain ko nang awatin ako ni Sir Francois. “Ako na po bahala rito, Miss Quence,” saad niya sa akin kaya tinanguan ko siya. Lumakad na ako paalis sa patio at iniwan si Sir Francois doon. Pag-uusapan namin ang business ko, tapos na kaya ang pag-aayos sa shop ko? Excited na tuloy akong marinig ang sasabi

