GULAT akong napatingin kay daddy Ukyo nang banggitin ng staff sa immigration ang surname niya. “Thanks!” nakangiting sabi niya at lumakad na kami paalis habang hawak niya ang aming mga passport at visa. “Kilala ka niya?” pagtatanong ko sa kanya. “Um, yes, mommy. Siya iyong isa sa kapatid nila Francois,” sagot niya sa akin kaya nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ba ang family nila ang nagsisilbi sa mga Silvestre? Bakit dito nagwo-work ang isa sa kapatid nila? “Mommy, come on na! Apunta na tayo sa gate natin at sasakyan na win tayo ng ewoplano!” malakas na sabi ni Orion kaya lumakad na ako. Tinawag na rin ang aming flight papunta sa Narita airport. Lumakad na kami papasok sa loob ng eroplano, hindi kami sa business class uupo. Almost three hours lang naman ang byahe papunta sa Japan, sa

