[Jazz] From: Dos Where are you, Jazz? Nasaan kayo ng anak ko? Hmp! Wala ako sa mood sagutin ang text mo. Bahala ka diyan! Pagkausap ko sa sarili ko. Pagkatapos ay ibinaba ko ang telepono ko sa ibabaw ng mesa, at saka ko uli sinubuan ng pagkain si Marthina. Hindi nagtagal ay nag-ring naman ang telepono ko. Sinilip ko ang screen para tingnan kung sino ang tumatawag. Dos calling... Hindi ko napigilang irapan ang telepono, na parang si Dos ang iniirapan ko. "Himala! Nag-iba yata ang ihip ng hangin. Bigla mo kaming naisipang hanapin ng anak mo. Ano'ng meron?" pagkausap ko sa screen ng telepono ko habang nagri-ring pa rin iyon. "Diyan ka na lang sa modelo mo!" singhal ko pa sa telepono. Muli kong inirapan ang telepono ko, tapos ay sumandok na uli ako ng pagkain ni Marthina sa platon