CHAPTER 35 - WILLING TO WAIT

2165 Words

"Grabe! Super!" Nakapikit na napasandal ako sa upuan ko, habang hinihimas ko ang tiyan ko. "Gusto mo ng halo-halo, Jazz? Magpapagawa ako." Bigla tuloy akong napadilat. "Suko na, Lola Cion... wala na po akong paglalagyan sa tiyan ko." Pinahaba ko pa ang nguso ko. Kasi naman, ang sarap talaga kapag sariwa ang isda at ang mga seafoods. Naparami tuloy ang kain ko. Bahagyang natawa si Lola Cion. "Ang mabuti pa, Dos... maglakad-lakad na muna kayo ni Jazz doon sa may manggahan," utos ni Lola Cion kay Dos, tapos ay bumaling sa akin, "mahangin nama dun, Jazz, saka malilim. Manguna muna kayo ng mga Indian mango. Marami nang bunga iyong mga puno doon." Nahihiya naman akong tumanggi kay Lola Cion kaya sumang-ayon na rin ako. Isa pa, kailangan ko ring sunugin talaga iyong marami kong nakain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD