Ding dong! Ding dong! Hindi ko napigilang mapangiti. Nandito na sila! Halos patakbo akong nagpunta sa pintuan at saka excited na binuksan iyon. Nagulat ako sa nakita ko sa labas ng pintuan ko. "Nasaan na ang may birthday?" excited na tanong ni Vanilla. "Bakit dalawa lang kayo? Nasaan si Sapphire at Yanna?" Isinungaw ko pa ang ulo ko sa labas ng pintuan sa pagaakalang naroroon lang sa gilid ang dalawang kaibigan ko. Pero wala talaga. Walang taong naroroon. Nagbaling ako ng tingin kay Vanilla at Ricky. Nagkamot ng noo niya si Ricky. "Tsk! Ewan ko ba sa dalawang 'yun. Si Yanna, sinundo ni Mayor kahapon. Nag-text ang hitad kanina. HIndi na lang daw siya pupunta ngayon dito kasi baka usisain o ihatid pa siya ni Mayor dito eh malaman pa 'yung tungkol lay Marthina." Naningkit ang mga mata