“Mama?!” Napatayo ako bigla. Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Mama. Tumayo rin si Mama. Kita ko sa mukha niya na tila nagsisisi siya sa sinabi niya. Tahimik lang si Papa sa kinauupuan niya, at kanina pa niya kami hindi tinitingnan ni Mama. Mula nang dumating sila dito sa munting opisina namin ay puro si Mama lang ang nakikipag-usap sa akin. Lumabas na rin muna ang mga kaibigan ko, para bigyan kami ng pagkakataon na makapag-usap na tatlo. “Jazz… pwede naman sigurong pagbigyan mo si Angelica? Ngayon lang naman siya hihiling sa iyo,” pagmamaka-awa ni Mama. Hindi ako makapaniwalang iyon ang dahilan ng pagpunta nila dito. Akala ko pa naman, nagpunta sila dito para kumustahin ako. Para tingnan ang kalagayan ko kung okay lang ba ako. Sa tanang buhay ko, ngayon pa lang ako hihiwalay sa kanila