Kabanata 52: Erzae Villaflor's Point of View: Tuluyan nang gumuho ang mundo ko nang mabalitaan kong nabaril si Rayven ng mga pulis. Doon ko narealize na hindi isang panaginip iyong madaling araw na dumalaw siya sa akin. Hinalikan niya ako no'n at ipinaramdam na mahal na mahal niya ako. Buong akala ko ay nananaginip lang ako dahil nagising na lang ako sa ibabaw ng aking kama na umaga na. But then, sa parehong araw na napanaginipan ko siya, doon din siya namatay. Dalawang buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako maka-move on sa nangyari. Hindi ko pa rin matanggap na wala na siya. At mas lalong hindi ko matanggap na ilang tao ang nawala bago naging matiwasay ang buhay ko. Ang plano kong isara ang Erzae's bakery ay hindi natuloy dahil kung hindi ko ito bubuksan a