Kabanata 33: Kung kahapon ay si Rayven ang hinintay ko, si Morris naman ngayon. Kailangan ko kasi siyang kausapin tungkol sa mga panaginip ko. Gusto ko rin sanang magpasama sa kaniya papunta kay Becca at alamin ang ibig sabihin ng mga ito. Alam kong hindi ko na dapat pinatatagal pa bago ko aksyonan ang mga nakikita kong signs at panaginip ko pero nang dahil sa kumpanya, medyo naisasantabi ko ang paghahanap ng sagot sa kakayahan ko. Akala ko hindi ko naabutan si Morris nang makalabas na silang lahat ay wala pa siya. Matagal bago siya lumabas ng bakery, iyon pala nakaligtaan ko nga siya. Nabigla ako nang may humawak sa balikat ko. Nasa likod pa naman ako ng poste malapit sa bakery at patago-tago! "Anong ginagawa mo r'yan?" takang tanong ni Morris sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko at sa