Kabanata 35: "Salamat talaga, kung hindi dahil sa 'yo baka natuloy pa iyong balak ng lalaking 'yon kay Ate Sol." Pagkatapos kong kausapin at patahanin si Ate Sol, kaagad kong hinanap si Rayven na saktong kinakausap din ng mga pulis. Hinihingan siya ng testimonya sa kung ano ang nasaksihan niya. "Ayos lang 'yon, kahit sino naman kung nakakita ng ganoong sitwasyon, baka gawin din nila ang ginawa ko." Tumango ako. "Pero kahit na! Salamat pa rin." "Walang anuman. Galing ka pa yata sa trabaho, pagkatapos nito magpahinga na kayo ni Ate Sol. Babantayan ko kayo habang natutulog." Nanlaki ang mga mata ko at saka mabilis na umiling. "Naku hindi na! Umuwi ka na dahil alam kong pagod ka rin sa bakery kanina. Magpapaiwan na lang muna ako ng mga pulis para magbantay sa amin tapos bukas na bukas ma