bc

SOLD TO THE DEVIL BILLIONAIRE

book_age18+
1.3K
FOLLOW
7.2K
READ
HE
opposites attract
office/work place
like
intro-logo
Blurb

(SPG-MATURE CONTENT)

Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Para sa kanya, lahat ng babae ay pare-pareho lamang—paiibigin ka, at pagkatapos ay ipagpapalit ka sa pera at kasikatan.

Si Lash Angeles, isang heartless rich man, sa edad na 32, ay nananatiling single…

Subalit, dahil sa isang babaeng nag-trespass sa kanyang mundo, biglang nagbago ang lahat.

chap-preview
Free preview
KAWALANG PAG-ASA
Gladerious Pov. Malakas ang buhos ng ulan, ngunit hindi ko iyon inalintana kahit basang-basa na ang buo kong katawan. Ang tanging hangad ko lamang ay makatakas… makalayo sa kaisa-isang taong lubos kong pinagkatiwalaan. Walang iba kundi ang itinuturing kong nakatatandang kapatid, na si Ate Solidad. Kasama pa niya ang mga tauhan nito, handang hulihin ako anumang oras. Ang boses niya ay humahalo sa malakas na patak ng ulan. "Tumakbo ka hangga’t may tatakbuhan ka, babae. Ngunit ito ang tandaan mo… mahuhuli at mahuhuli pa rin kita. At sisiguraduhin kong mas doble ang hirap na dadanasin mo sa mga kamay ko. Kaya kung ako sa’yo, magpakita ka na at pirmahan ang mga dokumentong ito. Pagkatapos niyon, malaya ka nang mamumuhay nang walang pagtatangka sa buhay mo!" Ang mga salitang iyon ay paulit-ulit na umaalingawngaw sa aking isipan, dahilan upang pilitin kong ipagsiksikan ang sarili sa ilalim ng isang sasakyang nakaparada sa gilid ng daan. Nanginginig ako sa matinding takot… dinagdagan pa ng ginaw na gumagapang sa bawat hibla ng aking katawan. Napakadilim ng paligid, at ang tanging liwanag ay nagmumula lamang sa sunod-sunod na kidlat na humahati sa kalangitan. Maya-maya pa… may naulinigan akong mga boses… palapit sa aking pinagtataguan. Ngunit sigurado ako sa isang bagay: hindi iyon ang mga tinig ng mga taong aking tinatakasan. “Master, ako na po ang magmamaneho ng sasakyan ninyo. Marami na po kayong nainom… delikado ang daan, lalo na’t napakalakas ng ulan. May balitang paparating ang bagyo, kaya mas mabuting huwag na tayong magtagal sa lugar na ito.” Naalarma ako sa aking narinig. Ilang sandali pa’y may narinig akong mahinang klik, kasunod ang pag-ilaw ng sasakyan… nag-unlock ang mga pintuan. At iyon na lamang ang naging tangi kong pag-asa upang makalayo sa lugar na iyon. Mabilis akong tumayo at lumabas sa aking pinagtataguan. Maingat kong hinila ang pinto ng sasakyan, pilit na iniiwasang makalikha ng kahit kaunting ingay. Pagkapasok ko sa loob, agad akong nagtago sa likuran ng sandalan. Mabuti na lamang at napakalakas ng ulan kaya hindi nila narinig ang pagsara ng pinto. Ilang saglit pa’y bumukas ang pintuan sa unahan, at hindi nagtagal ay umandar na ang sasakyan. Nang magsimula itong umusad, nakadama ako ng kaunting kapanatagan. Ngunit hindi rin nagtagal ay halos manigas ang aking katawan sa sobrang lamig dulot ng malakas na aircon sa loob ng sasakyan. “Mas mabuti pa’y doon mo na lang ako ihatid sa rest house ko. Ayaw ko munang makipag-usap kay Mama… iisa lang naman ang ipipilit niya sa akin,” utos ng isa sa dalawang lalaki… ang tinatawag na Master. “Bakit ayaw ninyong pagbigyan ang imbitasyon ni Ms. Soledad?” tanong ng lalaking nagmamaneho. “Hindi ako interesado sa sinasabi ng matandang dalagang iyon. Isa pa, napakabata ng babaeng gusto niyang ireto sa akin,” sagot ng Master. Biglang tumuon ang aking isipan sa mga salitang iyon. Hindi kaya… si Ate Soledad ang tinutukoy nila? “Hindi mo pa nga siya nakikita. Malay mo, ang babaeng iyon na pala ang matagal mong hinihintay. At saka, alalahanin mo… hindi ka na bumabata.” “Sino ba sa ating dalawa ang amo?” “Ikaw, Master Lash.” “Kung ganoon, tumahimik ka at huwag mo akong pangunahan. Bakit hindi ikaw ang mag-asawa? Halos magkasing-edad lang naman tayong dalawa.” “Tatahimik na nga… sabi na nga ba, sa akin mapupunta ang kuwento,” mahinang reklamo pa ng driver. Hindi ko na lubusang maunawaan ang kanilang usapan. Halos manginig na ang aking katawan sa sobrang lamig, at nakahanda na sana akong magsalita upang kunin ang kanilang atensyon nang may biglang pumatak sa aking tabi. Bigla akong napuno ng pag-asa at mabilis ko iyong dinampot. Isang jacket. Sigurado akong pagmamay-ari iyon ng tinatawag nilang Master… dahil iyon lamang ang suot niya bukod sa damit ng driver. Nang mahawakan ko iyon, humalimuyak ang kakaibang bango. Ibinabalot ko na sana iyon sa aking katawan nang maisip kong mababasa lamang ang jacket, at tiyak na lalo pang lalamig ang paligid. Kaya maingat ang aking bawat kilos, sinisiguro kong hindi ako makagagawa ng ingay. Hinubad ko ang aking basang kasuotan, at tanging ang aking underwear na lamang ang naiwan sa aking katawan. Isinuot ko ang malaking jacket, at ilang sandali pa’y unti-unti nang nawala ang panglalamig ng aking katawan. Hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Unti-unti akong iginupo ng antok… marahil dahil sa matinding pagod sa aking pagtakas kanina. Inisip kong magigising din naman ako bago huminto ang sasakyan. Kaya ipinikit ko na ang aking mga mata… hanggang sa tuluyan na akong makatulog. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatulog. Nang magising ako, balot ng dilim ang paligid. Nakahinto na ang sasakyan, at nag-iisa na lamang ako sa loob. Kinapa ko ang lock at marahang binuksan ang pinto. Pagkababa ko, agad kong kinipit ang aking mga hita at magkabilang braso, sinisigurong hindi malalaglag ang jacket na nagsisilbing takip sa aking katawan. Sumilip muna ako sa paligid. Napakadilim… isang sinag lamang ng liwanag mula sa labas ang nagbibigay ng kaunting tanglaw. Inilibot ko ang aking paningin, pilit inaalam kung saan ako maaaring dumaan. Namataan ko ang isang salaming pinto at agad akong lumapit, ngunit naka-lock iyon. Akmang babalik ako sa sasakyan nang biglang bumukas ang isang pinto. Sa isang iglap, nagliwanag ang buong paligid. “Who are you, woman?!” halos dumagundong ang tinig ni Lash. Nanginig ang aking mga tuhod sa matinding takot. “I’m asking you… sino ka? Paano ka nakapasok dito… at bakit suot mo ang jacket ko?” mataas na ang bose ni Lash. “A-ah… a-ano kasi… huwag!” ngunit huli na. Nahila niya ang jacket, at ako’y napayuko, hindi malaman kung alin sa aking katawan ang aking tatakpan. Hindi ko magawang tumingin sa kaniya. Hindi ko inaasahan ang sumunod. Bigla na lamang akong umangat sa hangin. “You will pay for this. Pumasok ka sa bahay ko nang walang pahintulot… at pagbabayaran mo ang kapangahasan mo!” “P-please… ibaba n’yo po ako. H-hindi po ako masamang tao…” “Shut up!” Natameme ako sa lakas ng kaniyang sigaw. Isinabit lamang niya ako sa isang braso habang naglalakad. Nakaharap ako sa gilid, ngunit hindi pa rin nakaligtas sa aking paningin ang karangyaan ng lugar… malalambot na alpombra, at mga painting na nakasabit sa dingding. Bigla akong napasigaw nang ibagsak niya ako sa isang malambot na bagay. Umalon ang aking katawan bago tuluyang lumapat. Noon ko lamang napagtanto… kama iyon. Akmang babangon ako nang may bigat na dumagan sa aking ibabaw. Napapikit ako sa takot, at doon ko naramdaman ang ganap kong kawalan ng lakas… wala na siyang suot sa katawan, at wala akong kakayahang lumaban. “H-huwag… maawa po kayo…” Subalit sumara ang aking bibig, dahil sa marahas niyang halik. Sinubukan kong magpumiglas ngunit hindi ako makakawala sa kanyang mga bisig. Hanggang sa; Unti-unti akong nakaramdam ng kakaiba. At ang kanyang mga halik na kanina lang ay marahas, ngayon ay naging banayad. Kaya ang tangi kong nagawa ay umungol, lumiyad at maghanap nang mahahawakan. Masarap sa pakiramdam. Nakakabaliw ang ginagawang pagsamba sa aking katawan. Nakakapagpalimot ng tunay kong sitwasyon. At ang tanging hinahangad ng katawan ko… walang hanggang kaligayahan. Ngunit biglang gumuhit ang matinding kirot nang may bagay na pumasok sa aking lagusan. Malakas akong napahiyaw sa sakit, subalit nalunod lang ang aking boses nang takpan niya ang aking bibig, gamit ang malapad niyang palad. Ang mga sumunod na sandali ay hindi ko na namalayan. Nagdilim ang aking paningin at tuluyang nilunod ng karimlan. KINABUKASAN, halos hindi ko magawang bumangon. Ramdam ko ang kirot sa bawat galaw ng aking katawan, ngunit alam kong hindi ako maaaring manatili sa lugar na ito. Pinilit kong bumangon, at hinanap ang aking mga damit. Nang makita ko ay agad na dinampot at nagbihis. Paika-ika akong nagtungo sa pintuan. Kahit nahihirapan, pinilit kong magpatuloy sa paghakbang. Ngunit nang mabuksan ko ang pinto… isang lalaking may malapad na pangangatawan ang sumalubong sa akin. Napatingala ako… at halos mapatulala nang masilayan ko ang kaniyang mukha. Nakakatindig-balahibo ang kaniyang kagwapuhan. Ngunit kasabay niyon ay ang awra niyang nakakatakot, malamig, at tila kayang durugin ang sinumang haharap sa kaniya. “Saan ka pupunta?” malamig na tanong ni Lash. “U-uuwi na po,” nanginginig kong sagot. Mabilis akong yumuko; hindi ko kayang salubungin ang kaniyang mga mata… mga matang nagbabadya ng panganib. “Hindi ka maaaring umalis. Tapos na ang usapan namin ni Soledad,” wika niya, walang anumang bakas ng emosyon. “Binili na kita… sa halagang gusto niya.” dagdag pa ni Lash. Parang gumuho ang mundo ko sa mga salitang iyon. Isang matinding takot ang gumapang sa aking dibdib. Mas lalo pang nanginig ang aking mga paa, pati ang buo kong katawan. Ibig bang sabihin… tuluyan na akong ipinagbili ni Ate Soledad? Sa kawalan ng pag-asa, unti-unting nanlalambot ang aking mga tuhod. Naramdaman kong nawawala ang aking lakas… hanggang sa tuluyang bumigay ang aking katawan. Ngunit bago pa ako bumagsak sa sahig, may mga bisig na sumalo sa akin. Siya… ang lalaking ubod ng gwapo, ngunit may mga matang mas nakakatakot, parang anumang oras maaari akong mamamatay. “Mananatili ka rito,” malamig niyang wika, bawat salita’y parang tanikalang unti-unting gumagapos sa aking pagkatao. “Lahat ng iutos ko ay susundin mo. Lahat ng kailangan ko ay ibibigay mo… walang pagtutol.” Tumimo sa aking dibdib ang kaniyang mga salita, mabigat at masakit. Parang unti-unting nawawala ang hangin sa aking paligid, at kasabay niyon ang pagguho ng natitira kong pag-asa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
105.0K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
104.5K
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook