2 Years Later Mariya Ysabelle Margarita Fuentes "My god, Ysa, you look so fabulous in that dress!" maligalig na papuri ni Janessa sa akin. Inakbayan pa nga ako nito habang parehas kaming nakatitig sa malawak na salamin. Mababakas sa malawak na ngiti ni Janessa ang kanyang kasabikan sa aking special day habang ako naman ay mayroong simpleng ngiti na nakaukit sa labi ko. Yes, I'm trying on some wedding dresses for my wedding day. "You look majestic, Ysabelle." I smiled at the person who is staring at me through the mirror. Nakaupo siya at naka-dekwatro sa pulang sofa. I couldn't help but to smile at him. That’s when it hit me. I realized I'm gonna get married to that person sooner. "Itigil niyo nga iyang pagiging sweet niyo. Nang-iinggit na naman kayo, eh," pabirong saad ni Janessa b