Nang matapos ang test ay nag-iba ang ekspresyon sa mukha ni Kristina. Kanina lang ay sobrang masigla nito at sobrang nagagalak na gawin ang procedure. Ngunit paglabas nila sa kwarto kung saan ginanap ang ultrasound ay lumabas na itong hindi makangiti. Pinagtaka ko ang mga kilos niya at napansin kong hindi niya matingnan ng diretso si Kristina. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan sa aking kalooban dahil kahit hindi pa iti nagsisimula sa pagpapaliwanag si Marie ay may hinala na ako sa naging resulta. Nahulaan ko na kaagad at base sa mukha ni Marie ay nahihirapan itong magpaliwanag sa amin. Nagkunwari muna itong abala sa ginagawa at may isinusulat sa papel. Binigay iyon kay Kristina at sinabing inumin niya iyon. Napansin ko rin ang paglaylay ng mga balikat nito at ang mga mata ay hind