Buong gabi naming pinagsawaan ni Sky ang isa't isa. Kahit pagod na ang buo naming mga katawan ay wala pa rin sa amin ang sumuko sa ginagawa. Hinihingal man at nanghihina na ay bumabalik din kaagad ang lakas kapag umiinit na ulit ang aming mga katawan. Kaya dito na siya nakatulog, tinanghali rin ako nang gising kaya hindi ko ito napauwi ng maaga. Sigurado akong nag-aalburuto na naman ang ulo ng asawa niya dahil sa tingin ko ay ito ang kauna-unahang beses na hindi ito nauwi sa kanila. Pagmulat ko sa 'king mga mata ay nakikipaglaro na ito sa kaniyang anak sa sahig. Pinakialaman na nito ang mga laruan ng anak niya na patuloy na nangungulit sa kaniya. Ang gaan sa pakiramdam habang tinitingnan ko silang dalawa Pagod na pagod man siyang tingnan sa kaniyang hitsura pero ang kaniyang mga ngiti