TINY POV "Birthday ko ngayon at gusto ko lang naman na buo kami ngayon sa araw ng kaarawan ko. Magpapaliwanag naman ako sa 'yo bukas. Hindi ka ba makapaghintay at talagang sinugod mo pa kami rito?" galit niyang tanong at parang kasalanan ko pa. "Iyan lang ang dahilan mo? Ang sarap din naman ng mga buhay niyo noh? Pagkatapos kong mag-alala ng sobra sa anak ko! Habang kayo ay mahimbing na natutulog dito ikaw pa ang galit, parang kasalanan ko pa? Samantalang hindi niyo man lang naisip na para na akong mababaliw sa pag-aalala sa anak ko. Pwede niyo naman akong tawagan o kaya ay e-text. Imposible naman siguro kong wala kayong mga load, sa yaman niyong 'yan. Ang sabihin mo ay wala lang talaga kayong balak na isuli ang anak ko!" "Nababaliw ka ba? Alangan namang iuwi ko sa 'yo ang bata eh tulog