Matapos ng check up ni Kristina ay dumiretso na kami kaagad sa bahay ng mga magulang niya. Gaya nga ng pangako ko sa kaniya kagabi ay binigyan ko iyon ng katuparan. Hindi ito matigil sa pagngiti habang nasa byahe at halatang excited na itong mkararing sa bahay ng mga magulang. Nasa bukana pa lang kami ng pintoan nila ay sinalubong na kami ng Mommy ni Kristina at ng kapatid niya. Alam na rin ng Daddy nito na dadalaw kami kaya pinili muna nitong magtrabaho sa bahay para sa anak niyang dadalaw. Nagyakapan sila at pinatawag nang Mommy nito ang asawa niya. Pinapasabi rin nito na dumating na kami para tigilan na nito ang ginagawang trabaho. Giniya kami ni Mariela na umupo sa sofa at nagkwento rin ito kaagad na pinayagan na raw ito ng Daddy niya sa relasyon ng nobyo niya. "Wow, talaga? I'm s