Chapter 6

1091 Words
Keila POV Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko noong isang linggo para pumayag sa gusto ni Hero. Simula ng araw na ‘yon hindi na rin ako makausap ng matino dito sa bahay. Nasa kwarto lang ako at nagkukulong. Halos hilahiyn ko si Hero paalis ng lugar na ‘yon ng makita ko ang hindi ko dapat makita. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga magulang ko sa totoo lang. They betrayed me! “Hija may bisita ka sa baba, pinapatawag ka ng mommy at daddy mo.” Sabi ni manang sa akin ng pumasok s’ya sa kwarto ko. Nakakulong na naman kasi ako dito sa kwarto, hindi ako lumalabas kahit na sa pagkain ay hindi ako sumabay sa mga magulang ko. “Sino raw po manang?” tanong ko sa kanya. “Bumaba ka na lang daw sabi ng mommy mo,” sabi n’ya sa akin at umalis na. Napabuntong-hininga na lang ako at sumunod na sa kanya para bumaba. I heard a lot of voices downstairs kaya kumunot ang noo ko. I’m not expecting any visitors today. Isang linggo kasing walang pasok kaya tambay lang ako sa bahay at wala naman akong kaibigan para bumisita sa akin o mag ayang gumala. Mas gusto kong mapag-isa sa nalaman ko bago ko harapin si Hero at gawin ang kasinungalingan naming dalawa sa lahat. “Your daughter is here,” sabi ni dad kay mommy kaya lumapit ako sa kanila. Kumunot ang noo ko ng makita si Hero kasama ang parents n’ya dito sa bahay at ang mas lalong ikinagulat ko ay ang paglapit sa akin ni Hero sabay abot ng bulaklak sa ako inakbayan. I was about to push him pero pinisil n’ya ang balikat ko saka bumulong sa tenga ko. “The game is on,” bulong n’ya sa akin kaya tiningnan ko s’ya. Seriously! Wala man lang s’yang pasabi at nagdadalawang isip na nga ako sa katangahan na ginawa kong paghalik sa kanya last time. “I’m surprise!” sabi ng dad ni Hero habang nakatingin sa amin. I can see that he is surprised, and I can sense something else. “Let’s have a seat first and talk,” sabi ni dad sa amin kaya umupo ako at magkatabi kami ni Hero. Wala akong alam sa kung anong mangyayari ngayon. “First of all, I would like to apologize for not introducing myself to you tito and tita as Keila’s boyfriend. Hindi po ako nagkaroon ng pagkakataon na ligawan s’ya at hingin ang pahintulot n’yo pero gusto ko pong ipaalam sa inyo na seryoso ako sa anak n’yo.” Sabi ni Hero sa mga magulang ko. I want to p**e, ang fake kasi. As if naman totoo ang sinabi n’ya. I’m still having a second thought about our deal pero ito s’ya ngayon humaharap sa magulang ko na para bang okay na ang lahat. “Masyado kaming naging busy at wala kaming alam sa love life ng nag-iisa naming anak,” sabi ni dad at tiningnan ako. “Sorry dad, I want to tell it sooner pero wala kayo.” Sabi ko sa kanya. “Huwag na natin gawing big deal pa ang bagay na ‘to. I’m just surprised that my son asked us to join him today without telling us where to go. Hindi namin alam na dito pala s’ya pupunta at ito ang balita n’ya. Why do I have the feeling that you are planning something son,” sabi ng mommy ni Hero sa kanya. “Mom, ang plano lang namang tumatakbo sa isip ko ay alagaan at hindi saktan si Keila,” sabi ni Hero at ngumiti sa aming lahat. “Ang cheesy mo ngayon ah,” natatawang sabi ko at humiwalay sa kanya ng bahagya. Baka maibato ko sa kanya ‘tong bulaklak na binigay n’ya dahil sa kasinungalingan na lumalabas sa bibig n’ya. “Nagiging ganito lang naman ako dahil sa’yo,” sabi pa n’ya at napapairap na lang talaga ako. “Hindi talaga kami makapaniwala na kayong dalawa ay magkakasundo,” sabi ni mommy sa amin ni Hero. Gusto ko s’yang sagutin sa sinabi n’ya pero pinigilan ako ni Hero. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya ba s’ya hindi makapaniwala dahil hindi na pwede ang kalokohan nila? “Ayaw lang po kasi namin na sabihin agad noong una sa inyong lahat pero ngayon handa na po kami,” sabi ni Hero sa kanila. “Hero nag iisang anak na babae ko si Keila, alam mo naman siguro ang pwedeng mangyari sa’yo kapag pinaiyak mo ‘tong anak ko,” sabi ni Daddy kay Hero. Hindi dapat nag aalala sa akin si Dad dahil hindi naman ako iiyak at hindi naman totoo ang ginagawa namin ni Hero na ‘to. In the first place kasinungalingan lang naman lahat ng sinasabi namin ngayon dito para maprotektahan ang pamilya ng bawat isa dahil sa isang kababuyan ng taong mahalaga sa amin. “Tito rest assured na hindi ko sasaktan ang anak n’yo,” sagot n’ya kay dad. “Masaya ako na may ipinakilala na rin na babae itong si Hero at ikaw pa ‘yon Keila.” Sabi ng mommy ni Hero sa akin kaya ngumiti ako sa kanya. “Pero hindi porket kayong dalawa na ay hindi mo na liligawan dito sa bahay si Keila,” sabi ni daddy kay Hero. Hindi naman na kailangan ‘yon. “Bakit pa Honey?” tanong ni mommy kay dad. I want to p**e. “Anong bakit? Dapat lang na ipakita n’ya sa atin na seryoso s’ya kay Keila. Hindi porket inamin nilang sila na ay matatanggap ko na agad ‘yon.” Sabi ni dad. “Tito ‘wag po kayong mag alala dahil gagawin ko po ang gusto n’yo,” sabi ni Hero kay Dad. “Be a man son,” sabi ng daddy ni Hero sa kanya at nakita ko ang pagtaas ng isang sulok ng labi ni Hero. “I will dad, hindi naman ako katulad ng ibang lalaki na hindi magawang magseryoso kahit na naka commit na ‘to sa isang tao. I will not hurt Keila.” Sabi ni Hero at may laman ang sinabi n’ya na ‘yon. “Aasahan ko ‘yang sinasabi mo na ‘yan Hero,” sabi ni dad sa kanya. Someone POV  Hindi ko maiwasang ngumiti dahil umaayon lahat sa plano. Sana lang magtuloy-tuloy ‘to at magbunga ng maganda ang plano namin na ‘to. Hindi kami magpapakapagod kung hindi magiging successful ang plano namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD