Pagkatapos ng four clan tournament ay kaagad na marami ang nagbigay ng kung anu-anong regalo sa Li Family at Qin Family. Dahil sa pagkapanalo ng Li Family at sumunod naman ang Qin Family, ang dalawang pamilya na ito ay ang siyang magiging katuwang ng Hari at Reyna sa buong kingdom. Si Bai Jush naman ng Bai Family ay pinutol na ang kaniyang ugnayan sa Bai Family at isinama ang mga hindi pinapaburan na tao sa Bai Family. Para sa mga sinama ni Bai Jush, isa si Bai Jush sa hindi nila maaring kalabanin at higit sa lahat, si Bai Jush ang kanilang tagapagligtas. Hindi lang iyon, nabigyan din naman ng pagkakataon na mabago ni Li Muen ang tingin sa kaniya ng mga tao. Kung ang tingin ng mga tao sa kaniya dati ay isa lamang hamak na pabigat at walang kakwenta-kwenta, ngayon ay isa na siya sa mga t