Napatigil si Li Muen nang marinig niyang may papalapit sa kanyang kwarto at kung kakalkulahin ang mga yabag na ito ay apat ang taong papalapit. Isa ito sa natutunan nila ni Li Xie noong isa pa silang assassin sa dati nilang buhay at isa din ito sa dahilan kaya nakakatakas sila sa mga mapanganib na lugar.
Alam niya na apat ang parating na tao bukod kina Zhuen at sa kanyang ama at ina dahil sa sunod sunod na yabag na naririnig nito.
Kaagad naman na humiga si Li Muen at nagpanggap na hindi pa nagkakamalay sapagkat ayaw nito na ma-alerto ang ahas sa kanilang tinataguan.
Kapag nalaman nila na nagising na ako baka mamaya madagdagan pa ang lason na ilagay nila sa katawan ko. Mahirap na wala pa naman dito si Li Xie para alisin ang lason sa katawan ko. Pero sino kaya ang isang papansin na ito na kunwari concern eh makiki-chismis lang din naman.
"Young master Linji, si Master at Mistress lang po muna ang papasok," kaagad na sambit ni Zhuen na hinarangan si Li Linji.
Tiningnan lang naman ni Li Chao at Quin Qin Xi si Li Linji at Zhuen at hindi nagsalita pa. Dahil sa pananahimik ni Li Chao at Quin Qin Xi ang akala ni Li Linji ay wala lang sa dalawa na sumama ito papasok sa kwarto ni Li Muen.
Napag utusan siya ng kanyang ina na bantayan ang galaw ng dalawang namumuno sa buong bahay at sumagap ng balita tungkol kay Li Muen sapagkat si Li Muen ang dahilan kung bakit nakakulong ang kaniyang ina at kapatid. Galit siya kay Li Muen dahil sa nangyari at bakit hindi pa ito namatay.
Hmp, dapat namatay ka na lang Li Muen! Bakit di ka pa namatay ayan tuloy nadamay pa ang aking ina at kapatid! Sisiguraduhin kong mamamatay ka.
Matalim na tiningnan ni Li Linji si Zhuen at saka tinulak, "Sino ka para harangan ako? Gusto ko lang naman malaman ang kalagayan ni Mei Muen! Ayaw mo ba na maalis ang pag aalala ko?"
Hmp! Pag aalala? Sa mukhang yan mukha ba iyang nag aalala?
Sambit ni Zhuen sa kanyang isipan pero hindi pa rin siya umalis sa kanyang kinatatayuan dahil ang inutos sa kanya ni Li Muen ay si Li Chao at Quin Qin Xi lang ang pwedeng pumasok. Pero kung magmamatigas si Li Linji kailangan nya lang iparinig kay Li Muen sa loob na may isang tao na ayaw nya makita ang sumama kay Li Chao at Quin Qin Xi.
"Zhuen, anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Li Chao at tahimik na nakatingin lang din si Quin Qin Xi kay Zhuen.
"Master, nag aalala lang po ako sa pwedeng mangyari kay Fourth Miss."
"Sinasabi mo bang may gagawin akong hindi maganda ah?"
Sasampalin na sana ni Li Linji si Zhuen pero agad naman nagsalita si Quin Qin Xi, "Tama na yan." Matalim na tiningnan ni Quin Qin Xi ang binata at sinabi pang, "Hindi ako nagtataka kung bakit nag aalala ang personal na taga-alalay ni Mu'er sapagkat ang iyong ina at kapatid ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya ngayon."
"Madam..." Mahina na sambit ni Li Linji at naiinis na tumingin kay Zhuen.
"Sumama ka na lang sa loob kung gusto mo sumama," walang emosyon naman na sambit ni Li Chao.
Gumilid si Zhuen at inismiran naman siya ni Li Linji ngunit hindi naman ito pinansin ni Zhuen. Binuksan ni Zhuen ang pintuan at nauna naman si Zhuen na pumasok at saka tumigil at nakayukong hinayaan na lagpasan siya ng tatlo at saka sinara ang pinto.
"Bakit mo kami pinatawag sa kwarto ng aking anak?" Tanong ni Li Chao.
Kaagad naman na lumapit si Quin Qin Xi sa kama ni Li Muen at naupo sa gilid nito saka hinaplos ang ulo ni Li Muen, "May balita ba?"
"Kaka-alis lang po ng doktor na tumingin kay young miss, Li Muen. Ang sabi po ng doktor na ipatawag kayo upang kausapin si young miss, Li Muen," magalang at nakayuko pa rin na sambit ni Zhuen.
Kumunot naman ang noo ni Li Chao at tinatnong, "Bakit kailangan namin kausapin ang tulog?"
Huminga muna ng malalim si Zhuen at saka itinaas ang kanyang ulo para makita at sabihin ng mata sa mata ang sinabi sa kanya ni Li Muen, "Ang sabi po ng doktor wala na po sa kritikal na kalagayan si Miss Muen pero sa ngayon po ay hindi pa sya magiging. Hindi din po alam ng doktor na iyon kung kailan magigising si Miss Muen kaya naman po ang sinabi nya lang ay dapat kausapin ng mga taong malalapit kay Miss Muen para naman po magkaroon ng lakas si Miss Muen na gumising."
Kaagad naman na umismid si Li Linji sa sinabi ni Zhuen, "Anong akala mo maririnig ni Mei Muen ang boses ng mga taong kumakausap sa kanya kung tulog siya?"
Matalim naman na tumingin si Zhuen aky Li Linji sa sinabi nito, "Mawalang galang na po Young Master Linji pero ayaw mo ba magising si Miss Muen? 'Di ba sabi mo nag aalala ka para sa kanya pero bakit ngayon parang ayaw mo magising siya?"
Sandali napatigil si Li Linji sa sinabi ni Zhuen at doon nya napagtanto ang ibig sabihin niya sa kanyang sinabi.
"Hindi naman sa ayaw..."
"Linji'er." Tawag ni Li Chao sa kanya kaya naman napatindig si Li Linji sa pagkakatayo, "Labas."
(* Er after the name is used to informally called someone you close to you*)
"Po?"
"Linji'er lumabas ka na lang," sambit ni Quin Qin Xi.
Masamang tingin ang ipinukol ni Li Linji kay Zhuen bago ito nag bow at lumabas ng kwarto. Nang marinig nila ang yabag ni Li Linji papalayo sa kwarto ni Li Muen ay kaagad naman na bumuntong hininga si Zhuen.
"Matapang ka, Zhuen," sambit ni Li Chao.
"Napag utusan lang po ako, Master."
Kaagad naman kumunot ang noo ni Li Chao sa sinabi ni Zhuen at magtatanong na sana ito ngunit naunahan ito ni Quin Qin Xi. "Napag utusan nino?"
"Ni.."
"Ako po."
Kaagad na napalingon ang tatlo sa pinanggalingan ng boses at nakita naman nila si Li Muen na nakadilat ang mata. Tiningnan ni Li Muen ang itsura ng kanyang ina at ng kanyang ama saka ito ngumiti.
Ah, so this is the face of my parents in this life time. Thank you for this wonderful family, Mu'er. I will forever cherish this gift in your behalf.
"Mu'er!" Kaagad na bulalas ni Quin Qin Xi.
Niyakap ni Quin Qin Xi ang kanyang anak at napaluha naman ito sa sobrang saya samantalang ang kanyang ama naman ay lumapit sa dalawa nitong babae sa buhay at niyakap sila parehas. Hindi man lumuluha si Li Chao ngunit bakas naman sa kanyang mukha ang pagkabunot ng tinik sa kanyang lalamunan.
"Buti naman at nagising ka na. Nag alala ako ng husto sa iyo," sambit ni Quin Qin Xi.
Umupo naman ng dahan dahan si Li Muen at inalalayan naman ito ng kanyang ama at ina kaya naman ngumiti ito at sinabing, "Kanina pa po ako nagising at nag usap po muna kami ni Zhuen sa mga nangyari kaya hindi ko kaagad kayo pinatawag."
"Ikaw talaga. Ano ba nangyari sayo?" tanong ni Li Chao sa kanyang nag iisang anak na babae.
Sandali na napayuko si Li Muen at saka ikinuwento sa kaniyang ama at ina ang mga naalala nito kasabay na rin ang kinuwento ni Zhuen sa kanya noong pinakuha nito ng baso.
"Masyado na ata nananahimik ang Bai Clan," hatala sa boses ni Li Chao ang galit.
"Huwag tayo magpadalos dalos, Mahal ko," agad naman na pigil ni Quin Qin Xi sa kanyang asawa, "Kung totoo nga na si Bai Zi ang may gawa nito ay maiimplikahan nito si Er-Ge."
(*Er-Ge means second elder brother*)
"Ama, Ina?" Tawag ni Li Muen sa kanyang magulang at tiningnan naman ni Li Chat at Quin Qin Xi si Li Muen na may pagmamahal sa kanilang mga mata kaya halos maluha na lang si Li Muen sa saya na kanyang naramdaman.
Li Xie, I found a family I could trust aside from you. Sana ikaw rin.
"Ano iyon, Mu'er?"
Napayuko si Li Muen at saka nagkunwaring malungkot, "Alam ko po na mas magaling sa akin si Li Changli sa kahit na anong aspeto simula pa lang noon. At alam ko rin po na mas kilala siya sa mundo ng mga aristokratiko at hinahangaan siya ng madami." Sandaling tumigil si Li Muen sa pagsasalita at nagtinginan naman si Li Chao at Quin Qin Xi. "Kaya alam ko rin po na kung ano man ang gawin sa akin ni Li Changli mas pipiliin pa rin po siya ng karamihan sa clan. Kahit parusahan po siya ay papatawarin pa rin po siya."
"Mu'er..."
Nangingilid ang luha ni Li Muen at saka ito ngumiti at sinabing, "Masaya pa rin po ako na buhay pa rin ako—"
"Ano bang sinasabi mo?" Galit na sambit ng kanyang ama na si Li Chao.
Hindi nagsalita si Li Muen at yumuko lang.
Ito ba ang nararamdaman ng aking anak sa nangyari sa kanya? Akala nya ba na mas mahalaga ang buhay ni Chang'er sa kanya?
Sambit ni Quin Qin Xi sa kanyang isipan at nakita naman nya na pinilit ni Li Muen na ngumiti sa kanyang ama at ina.
"Kahit na mas nakakaangat pa sa iyo si Chang'er, Mu'er hindi mo dapat sinasabi iyan," sambit ni Quin Qin Xi at niyakap si Li Muen. "May mga alituntunin tayo sa pamilya at kung sino man ang lumabag ay may karampatang parusa," saka naman tiningnan ni Quin Qin Xi si Li Muen, "Kaya kahit na mas mahalaga pa si Chang'er sa iyo sa labas ng mansyon na ito ay hindi pa rin mapagkakaila na tinangka ka nyang patayin."
"Tama ang iyong ina, Mu'er. Hindi ko ito papalagpasin ngunit kailangan ko munang kausapin ang ikalawang tito mo. Alam mo naman na hindi niya alam kung ano ang mga pinaggagawa ng kanyang asawa at anak dahil sa pagkakaabala nya sa pamilya."
Tumango lang si Li Muen sa sinabi ng kanyang ama at saka sinabing, "Ama, maaari po bang huwag mo muna ipaalam sa lahat na gising na ako?"
Kinakitaan naman ng gulat ang kanyang ama at ina at nagtanong si Li Chao kay Li Muen, "Bakit?"
Yumuko si Li Muen at sinabing, "Ayoko po na magkaroon ulit ng pagtatangka sa buhay ko." Hinimas himas ni Li Muen ang kanyang kamay at saka pinagpatuloy ang kanyang sasabihin. "Alam ko naman po na marami ang ayaw sa akin sa pamilyang ito dahil hindi ako marunong sa kahit na anong arts kaya naman ama may isang kahilingan sana akong sasabihin sa iyo."
"Ano iyon?"
Huminga ng malalim si Li Muen at sinabing, "Maari po ba akong lumabas sa mansyon at manirahan sa labas nang walang nakakakilala sa akin? Gusto ko lang po maranasan ang buhay sa labas."
"Pero.."
Hindi na pinatapos pa ni Li Muen ang sasabihin ng kanyang ina at sinabing, "Alam ko po na mapanganib, pero wala naman po nakakakilala sa akin di ba? Hindi naman po ako lumabas ng mansyon o sumasali sa kahit na anong salo-salo kaya sigurado po ako na walang makakakilala sa akin."
Malungkot ang mga mata ni Quin Qin Xi nang tingnan ito ni Li Muen kaya naman kaagad siyang nag iwas ng tingin, "Pero bakit?"
Ngumiti ng malungkot si Li Muen at sinabing, "Gusto ko po malaman kung ano ba talaga ang para sa akin. Tatlongpu't isang araw at tatlongpung gabi lang ina."
Siguro okay na ata ang one month.
Wala pang nagawa si Quin Qin Xi sa nakita nyang pagkadesidido na mukha ni Li Muen kaya naman napatingin ito sa kanyang asawa na si Li Chao at parehas silang napabuntong hininga. Alam nila ang nararamdaman ng nag iisang anak nilang babae. Alam nilang nakakaramdam ng inggit ang anak nila at gusto lang mahanap ang landas na para talaga sa kanya kaya naman gusto nitong umalis sa poder nila at hanapin ang landas na iyon.
Alam din nila na totoo ang sinabi ng kanilang anak na walang nakakakilala kay Li Muen sa mukha pero alam ng lahat na may bunsong anak na babae si Li Chao at Quin Qin Xi na walang kaalam alam sa arts. Isang good for nothing kung tawagin nila at alam din ng mag asawang Li Chao at Quin Qin Xi na ang naglabas ng balita na ito ay si Bai Zi.
"Okay, pumapayag na ako."
"Mahal.."
"Xi'er wala tayong magagawa sa gusto ni Mu'er. Hindi naman talaga nya mahahanap ang para sa kanya kung mananatili lang siya dito sa puder natin."
"Okay, sige, pumapayag na ako," matalim na tiningnan ni Quin Qin Xi si Li Muen at napangiwi naman si Li Muen sa itsura ng kanyang ina, "Pero magdadala ka ng mga guwardya."
"Ma, kilala nila ang mga guwardya ng mansyon," agad na sambit ni Li Muen at saka dinagdag pa na, "Dadalhin ko po si Zhuen. Wala din pong nakakakilala sa kanya sa labas ng mansyon kaya okay na po si Zhuen sa tabi ko."
"Pero ang kaligtasan mo."
"Xi'er, hindi naman ata lalayo ang anak mo. Dito pa rin naman sya sa capital ng Maqi Kingdom nasa labas lang sya ng mansyon."
Kaagad naman na tumango si Li Muen bilang pagsang-ayon sa kanyang ama. Iilang bahay at mga mansyon lang ang magiging pagitan nila kung sakali na makakahanap man siya ng bagong matitirahan.
"Okay sige. Pero ako na ang maghahanap ng courtyard para sa iyo."
"Okay po, ina."
Hindi na humindi pa si Li Muen dahil alam na naman nya na hindi sya mananalo sa pakikipagtalo sa kanyang ina kaya hinayaan na lamang niya na ang kanyang ina ang bumili ng maliit ng courtyard para sa kanya.
"Pero ina ang gusto ko po ang tama lang para sa limang tao na courtyard. Ayoko po nang sobrang laki."
Bumuntong hininga si Quin Qin Xi at saka sinabing, "Kapag nalaman ito ng iyong lolo malalagot talaga ako doon," saka ngumiti kay Li Muen, "Okay sige kung yan ang gusto mo."
Kaagad naman na umalis ang mag asawa noong matapos nila makausap si Li Muen at napagkasunduan din nila na hindi ipaalam sa lahat na nagkaroon na ng malay si Li Muen hangga't hindi pa napaparusahan si Bai Zi at si Li Changli.
"Hindi ko kaya na nakikita kong ganoon si Mu'er," sambit ni Quin Qin Xi habang naglalakad sila ni Li Chao palabas ng courtyard ni Li Muen.
"Hindi ko rin naman kaya pero tayo ang namumuno ngayon sa pamilya kaya kailangan natin maging pantay sa lahat." Isinara naman ni Li Chao ang kanyang kamao at tiningnan ito. "Pero hindi ako papayag na may mangyari pa kahit sino sa inyo. Ikaw man o ang mga anak natin, sisiguraduhin kong ligtas kayo."
Ngumiti naman si Quin Qin Xi saka sinabing, "Hindi mo naman kasalanan ang nangyari kay Mu'er. Masyado lang talaga tayong nagtiwala sa mga taong akala natin hindi mananakit. Alam mo naman na kapag nakaharap sa atin ang mag ina ay akala mo kung sinon maamong tuta."
Tumango naman si Li Chao at hinawakan ang kamay ni Quin Qin Xi habang naglalakad. "Tama ka dyan. Maari ka na munang bumalik sa ating silid hintayin mo na lang ako dahil kakausapin ko muna si Shao-De."
(*Shao-De means younger brother*)
Tumango naman si Quin Qin Xi, "Sana lang at hindi ito makaapekto kay Er-ge."
Sa kabilang banda naman ay pumasok si Zhuen sa kwarto ni Li Muen at binigay ang pinapakuha nitong mga papel.
"Second miss, ano po ang binabalak mo?"
Ngumiti si Li Muen at sinabing, "Siguro naman narinig mo na aalis tayo sa mansyon ng tatlongpu't isang araw di ba?" Tumango naman si Zhuen. "Kalangan ko maghanda para doon. Maari ka na muna magpahinga."
"Masusunod po, Second Miss."