Tatlong buwan na ang nakakalipas simula noong sinimulan n ani Li Muen ang pagpapakilala ng kalendaryo sa buong imperyo. Napag-usapan kasi nilang dalawa ni Li Xie ang hirap ng pagbibilang ng araw at gabi para lamang sa usapan nilang dalawa at para na rin maintindihan nina Lin Jing kaya naman pinakilala na rin nilang dalawa ang kalendaryo. Walang nakakaalam kung saan galing ang kalendaryo kahit na sina Li Muen ang nagpakilala nito. Wala silang balak na akuin ang kalendaryo dahil alam nila na mahihirapan lamang sila. “Miss?” Napatingin si Li Muen sa nakasaradong pinto ng kaniyang silid at saka ito tumayo. Dalawang araw na ang nakalipas simula noong nakapag-advance siya patungo sa panibagong realm sa tulong ni Lin Jing. Sa edad na labing tatlo ay isa na si Li Muen sa mga nirerespetong qi