CHAPTER 83: SEEKING FOR HELP

2355 Words

“Anong tulong po ang maibibigay ko?” takang sambit ni Li Muen. Kalmado man at mukhang walang kaalam alam si Li Muen ay sa loob loob niya ay alam na niya kung ano ang gusto ng kaniyang tiyuhin. Huminga ng malalim si Li Can, “Pagkatapos ng pagbibigay ng parusa sa asawa ko at sa aking dalawang anak ay hindi na ako masyado nakakauwi sa courtyard namin. Lalo pa ngayon na wala ang iyong magulang,” huminto ng kaunti si Li Can at nilaro ang kaniyang baso gamit ang kaniyang daliri. “Kagabi ay umuwi ako upang magpahinga ngunit hindi ko nadatnan doon si Bai Zu. Ang sabi sa akin ng ilan sa kasambahay ay palaging umaalis si Bai Zu sa mansyon upang makipagkita sa kaniyang mga tiyuhin. Hindi ko alam kung ano ang plano ni Bai Zu pero sigurado akong may hindi siya magandang balak,” dagdag pa ni Li Can.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD