“Jingjing…” mahinang sambit ni Li Muen. Hindi lang ang mga tao sa paligid ang napanganga kung paano tawagin ni Li Muen si Lin Jing kundi pati na rin ang mga magulang, kapatid at kapamilya ni Li Muen. Hindi nila akalain na ang isang lalaki na kinakatakutan sa digmaan ay pumapayag na tawagin ng ganito lamang ni Li Muen. “Magpasalamat ka at tinuturing ka pa na kapatid ni Mu’er kahit na gumawa ka ng hindi maganda sa kaniya. Para kay Mu’er hahayaan kita ngayon,” sambit ni Lin Jing at hindi na nagsalita pa. Tumikhim ang hari at saka naman niya binigyan ng pagkakataon na makapagsayaw si Li Changli. Dail doon ay nawala ang tensyon sa paligid at hindi na rin naman sinundan pa ni Lin Jing ang mga sinabi niya. ‘Ah, buti na lang at tumahimik na ang lalaking ito. Hindi ko alam na ganito pala siy