“Ama, ina, hindi ba naikwento na ninyo sa akin si Zhou Yue?” Tumango naman si Li Chao at Qin Quin Xi. “Alam din naman ninyo kung nasaan talaga si Aunt Zu, ‘di ba?” mahina namang tanong ulit ni Li Muen at kaagad naman din na sumagot ang kaniyang ama at ina sa pamamagitan ng pagtango. “Kung ganoon hindi na po ako magpapaligoy ligoy pa. Ama, Ina, noong tinurukan ko ng kung anong gamot si Aunt Zu noong araw na iyon ay tinanong ko siya sa mga totoong nangyari at sa opiniyon niya.” Nanlaki naman ang mga mata ni Li Chao, “Anak—” “Huwag ka muna magsalita. Nakita mo naman na hindi pa tapos anak mo, ‘di ba?” sambit naman ni Qin Quin Xi at masamang tiningnan si Li Chao. Wala naman na nagawa pa si Li Chao kundi ang manahimik na lamang, “Ituloy mo anak.” Tumango naman si Li Muen, “Nakausap ko po s