Sumimsim si Li Muen ng kaniyang tsaa habang hinihintay na magsalita ang kaniyang tiyuhin na si Li Can. Sa kaniyang kanan ay nakaupo si Xu Lei Mei at naghahanda ng isang pills na magagamit ni Li Can. Naiilang man si Li Can at hindi alam kung kailan at ano ang dapat niyang unahin na sabihin kay Li Muen. Lalo pa at kasama nila sa silid si Xu Lei Mei na isang alchemist. Noong una ay hindi siya naniniwala dito ngunit nang makita niya kung paano gumawa ng pills si Xu Lei Mei ay nakumbinsi na siya nito. Hindi niya akalain na ang dating mahina niyang pamangkin ay ngayon hindi lamang siya ang malakas kundi pati na rin ang taong nakapalibot sa kaniya. 'Hindi ko talaga alam kung bakit naiinggit sa kaniya si Chang'er gayong magkaiba naman ang kanilang tinayahak na landas sa sining,' malungko