Nang makarating si Lin Jing sa mansion niya ay kaagad naman niya na hinanap si Li Muen. Ang sabi ni Phantom sa kaniya na may lalaking dumating na mas malakas pa kay Li Muen kaya naman si Phantom na lamang ang nakipagkita sa lalaking iyon. Gayon pa man, kahit alam na ni Lin Jing na nakatakas si Li Muen hindi pa rin niya maiwasan ang hindi mag-alala. “Uncle Can!” kaagad na sambit ni Lin Jing nang makita niya si Li Can. Kitang kita niya ang pagkapagod sa mukha ni Li Can at kitang kita rin niya na hindi na nito alam ang kaniyang gagawin dahil sa mga sunod sunod na nangyari sa buhay niya. Hindi man alam ni Lin Jing ang buong nangyari ngunit alam naman niya na ang babaeng pinangasawa ni Li Can ay ang babaeng sumira sa buhay nito. “Lin Jing…” mahina naman na sambit ni Li Can. “Dumeretso s