Tahimik ang buong paligid sa kalagitnaan ng gabi. Kakaunti na lamang ang tao sa labas at tulog na ang karamihan. May iilang gising ngunit abala sa kanilang mga personal na trabaho. Samantala, abala naman si Zhuen sa pagtulong kay Li Muen sa pagsuot ng kaniyang itim na damit. Mula ulo hanggang paa. Ito ay ang karaniwang sinusuot ni Li Muen kapag siya ay may misyon kasama ang kaniyang pinsan. “Miss, sigurado ka po ba na ikaw lang mag-isa?” tanong ni Yaoyao nang makapasok siya sa silid ni Li Muen dala dala ang isang kahon na tinago sa dating tinutuluyan ni Xu Lei Mei. “Opo nga po, Miss. Mag-isa kang pupunta roon? Kahit na sabihin na isa ka nang tier eight papunta na sa tier nine ay kaya mo nang—” Itinaas na lamang ni Li Muen ang kaniyang kanang kamay upang sabihin kina Yaoy