Isang araw na ang nakalipas simula nang pagtatangka sa kaniyang buhay. Dahil doon ay minabuti na lang muna ni Li Muen na manatili sa inn habang masinsinang nag-cultivate. Alam niya na may mas malakas pa sa kaniya dahil nasa tier 4 pa lang siya at alam din niya na mas marami pa ang magtatangka sa kaniya kaya naman gagawin niya ang lahat para lumakas siya, para maprotektahan ang mga taong dapat niyang protektahan. Hindi ko hahayaan na may mangyari na namang hindi maganda sa pamilya ko sa ikalawang pagkakataon. Hindi ko hahayaan na maulit muli ang nangyari sa past life ko, gagawin ko ang lahat lumakas lang. At dahil wala pa rin namang nahahanap si Zhuen na magandang courtyard na matutuluyan nila na tugma sa kagustuhan ni Li Muen ay nananatili muna sila sa inn. Dahil na rin sa magandang uga