Kitang kita ng Empress at ng Emperor ang pag-aalala sa mukha nina Li Chao at Qin Quin Xi. Alam nila ang pakiramdam na nararamdaman ng dalawa dahil ganoon din naman ang nararamdaman nila noong nag-aadvance ang kanilang mga anak sa tier seven. Isa pa, alam nilang babae si Li Muen at alam rin naman nila na hindi madali para sa babae ang makapag-advance. Nagkatinginan naman ang Empress at ang Emperor at saka sila tumango. “Li Chao at Qin Quin Xi, binibigyan namin kayo ng pagkakataon na makauwi na ngayon kasama ang inyong dalawa pang anak, sina Li Baejin at Li Junli,” sabit ni ng Emperor dahil nakita rin naman nila ang pag-aalala sa magkapatid. “Sa isang kondisyon,” sambit ng Emeperor at napatingin naman si Li Chao at Qin Quin Xi sa Emperor. “Kahit ano po, Emperor Lin,” sambit ng mag-asaw