Nagtipon tipon ang apat na pamilya sa entablado sa pangunguna ng Li Family at Qin Family. Hindi man nila alam kung bakit kailangan pang pumunta sa entablado ngunti wala rin naman silang magawa kundi ang sumunod. Ang mga Prinsipe naman ay binigyan ng upuan. Nasa unahan sina Lin Xiao, Lin Jing, at Lin Xiao dahil sila ay Prinsipe ng Imperyo at ang mga Prinsipe naman ng Xidi Kingdom ay nasa kanilang likuran. Isang magandang reputasyon din naman ang nakuha ng mga Prinsipe ng Xidi Kingdom na nagpasyang pumunta sa paliksahan dahil sa nakasalubong nila ang tatlong Prinsipe ng Imperyo. Dahil dito ay mayroon silang maipagmamalaki sa ibang mga Prinsipe na mas pinili pa ang magliwaliw, maglibang, at magsaya kaya sa sa manood ng Four Clan Tournament. Hindi lang iyon, alam din naman nila na may mang