Kasalukuyan nakaupo si Li Muen at Zhuen sa isang karwahe na inarkila nila pabalik ng Xidi Capital kung saan doon nakatira si Li Muen. May tatlong bagay siyang kailangan gawin kaya siya babalik sa mansyon niya. Isa na roon ay ang darating na Four Clan Tournament kung saan lahat ng Foundation Realm qi user ng apat na clan ay magtutunggali. Hinding hindi ito papalagpasin ni Li Muen lalo pa at alam niya na pupunta rin doon ang Ikatlong Prinsipe ng Imperyo. Nakatulala si Li Muen sa bintana ng kanilang karwahe habang iniisip ang mga sinabi ni Lin Jing sa kaniya noong gabi bago sila umalis papunta sa Xidi Capital. “Hindi mo naman ata mamasamain kung ililipat sa iba ang titulo ng papakasalan mo, hindi ba?” Hindi man naiinintidhan ni Li Muen ay tumango siya, “Oo naman. As long as it’s not t