Yanna I woke up in the wee hours of the morning na humihilab ang tyan ko. Alas tres lang ng umaga. I can feel she's coming soon pero hindi pa pumuputok ang panubigan ko. Nakatulong yung pag attend namin ng mga Lamaze class. Nasa salas na ang bag ng baby at mga kailangan naming dalhin sa hospital. Kaya naghilamos lang ako, mabilis na nagtoothbrush at ipinusod ko ang buhok ko. Humaba na rin hanggang balikat. Ginising ko si Leo. "Leo, humihilab ang t'yan ko," masuyong sabi ko sa kanya. Napapangiwi ako kapag humihilab. Pupungas pungas ito na bumalikwas. "Are you okay?" Hinaplos n'ya ang t'yan ko. "Magbibihis lang ako at pupunta tayo ng hospital." Mabilis s'yang nagsuot ng pantalon at nagsuot ng hoodie. Hinagip n'ya ang susi sa console at inalalayan ako sa paglalakad. He looked so calm and

