Nancy Hindi ko mapangalanan kung gaano ka-sakit ang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Hindi ako makapaniwala sa lahat-lahat nang nalaman ko. Paano nangyari 'yon? Paano niya nagawa ang lahat ng 'yon? Nakapatay siya? Paano? Bakit? At hindi lang basta kung sinong tao lang ang pinatay niya. Ama pa ng mga kaibigan kong itinuturing ko ng mga kapatid. Paano ko sasabihin sa kanila ito? Paano ako haharap sa kanila? Paano pa ako makikisama sa kanila kung alam ko sa sarili kong ang pumatay sa ama nila ay ang taong pinakamamahal ko. Hindi ko lubos maisip kung paano ako nagmahal ng isang kriminal. Kaya naman pala! Kaya naman pala idinaan niya sa sulat ang lahat! Kaya pala hindi niya makuhang magpakilala sa 'kin. Kaya pala hindi niya masabi sa akin ang address niya, ang contact number niya. L