Nancy Napakunot ang noo ko dahil nabungaran ko na naman si Colton dito sa loob ng restaurant. Medyo matagal-tagal din siyang hindi tumambay dito. Noong panahong hindi siya pumupunta dito ay si Cail naman ang naririto. Kumaway siya sa akin nang makita niya ako. Kalalabas ko lang ng locker room at kapapalit ko pa lang ng uniform ko na pang-duty. Kanina ay hinatid ako ng Prinsipe ko pero umalis na din siya kaagad dahil ang sabi niya ay may aasikasuhin daw siya. Hindi naman niya sinabi sa akin kung ano. Lately ay napapansin kong parang palagi siyang abala. Sinubukan ko siyang tanungin at ang sabi niya ay may trabaho raw sila ni Cedric, 'yong kaibigan niya. Pero hindi niya naman masabi sa akin kung ano nga ba ang trabaho nila. May binanggit siyang secret agent daw siya pero natawa na lang