Nancy "Johannes? Sinong Johannes?" tanong ko kay Cail dahil kapangalan niyon 'yong nag-iisang crush ko noon, noong nag-aaral pa ako. Pero maaaring kapangalan niya lang din naman niya 'yon. Marami din naman siguro ang Johanness sa mundong 'to. "Kaibigan ko galing sa malayong lugar," sagot naman ni Cail habang patuloy siya sa pagkain niya at parang walang pakialam sa kaibigan niyang naghihintay sa labas. "Ah, eh baka nagugutom na 'yon. Papasukin mo kaya dito," pangungulit ko pa rin sa kanya. "Busog pa daw siya." Saglit lamang siyang lumingon sa labas bago muling nagpatuloy sa pagkain niya. Hinayaan ko na nga lang at hindi na ako nagpumilit pa. Pinili kong maupo sa tabi niya at hinintay siyang matapos sa pagkain. Ang mga alipores naman ay umalis na at bumalik na sa mga kanya-kanya nilan