Nancy "Nancy, bakit parang kamukha ni Johannes itong nasa dyaryo? Tingnan mo, Nancy! Hindi ba at si Johannes ito?" narinig kong tawag ni mama mula sa tindahan. Hindi ako nakaimik. Ibig sabihin ay pinaghahahanap na ng batas si Johannes dahil sa pagtakas niya. Bakit kasi kailangan niya pang tumakas? Mas lalo siyang mapaparusahan dahil sa ginawa niya. Isang linggo na ang lumipas simula nang huli kaming magkausap at simula noon at hanggang ngayon ay hindi pa siya nagpapakita sa 'kin. Hindi ko naman alam kung saan siya tumutuloy. Ang sabi niya lang ay kay Cedric. Hindi ko naman alam ang bahay niyon. Wala din siyang cellphone. May nabubuhay pa palang tao ngayon na kaya ng walang cellphone? Bakit hindi siya gumagawa ng paraan para magpaliwanag sa akin? Kailangan ko ang paliwanag niya. Bak