Nancy "Bonbon ko, here's your milk. Dede ka na, baby ko." Isinubo ko sa bibig ni bonbon ang baby's bottle na may lamang gatas. Masyado pa kasi siyang baby at kailangan niya pa rin talaga ng gatas. Hindi pa siya p'wede ng kanin o ng dog food dahil baka hindi siya matunawan. "Ano ba 'yan, ate? Ginawa mo naman baby 'yan, eh aso 'yan, eh," sabi ni Niana habang nagsusulat ng aralin niya sa mesa dito sa sala. Kami naman ni baby bonbon ko ay naririto sa sofa. Kaagad kong sinamaan ng tingin si Niana. "Hindi ito aso! Baby tuta pa 'to!" "Aso kaya 'yan!" sagot naman ni Nuke. Aba't itong kambal na 'to. Pinagtutulungan ako, ah! "Saan ba galing 'yang aso na 'yan? Ba't kailangan sa bote pa ng bata dumede 'yan?" tanong naman ni Papa na nasa kusina at naghuhugas ng mga plato. "Hindi nga po siya