NGITI sa kanilang mga labi ay hindi mapapantayan ninuman. Kanilang mga mata ay nagniningning habang sila ay nagtitigan at magkahawak ang kamay sa harapan ng altar. Kanilang mga itsura ay parang prinsipe at prinsesa. Halimuyak ng mga bulaklak sa loob ng simbahan ay lalong nagbibigay ng buhay sa kapaligiran. Sinamahan pa ng mga taong saksi sa kanilang pagmamahalan. Natupad na nila ang kanilang inaasam-asam na kasal, upang sila ay magkaroon na ng pagkakataon na magsama sa isang bahay, at mabuo na nila ang kanilang pamilya. Iyan ang simpleng nais nilang dalawa. Ang magkaroon ng buhay na masaya at payapa. Lalo na si Louie, dahil hindi niya naranasan ang magkaroon ng isang ama at isang ina. Ayaw niya iyon maranasan ng kanyang anak. Gagawin lahat ni Louie, para lumaki ang kanilang anak na may ga