TAHIMIK lahat silang kumain ng hapunan. Hindi man lang sila nagkwentuhan sa harapan ng hapag-kainan. Marahil siguro, dala ng pagod at gutom nilang lahat sa paghahanap kay Mikaela. Bago matapos ni Louie ang kanyang pagkain, umaaligi pa rin sa kanyang isipan ang pagtatapat ni Mikaela. Kahit paano, nabunutan siya ng isang tinik na nakatusok sa kanyang puso. Ang inaalala na lang niya ay ang pagtago niya sa kanyang totoong katauhan. Pero, hindi na ganun katindi ang kaba sa kanyang dibdib, dahil kung wala namang magsasabi o aamin kay Mikaela, hindi nito malalaman. Malaking porsyento ang paniniwala ni Louie na hindi na talaga siya maaalala ni Mikaela. Kaya mas mabuti na iyong kalimutan na lang nila ang nakaraan at ang bagong bukas ang kanilang sabay na pagdadamayan. “Pinag-alala mo kami? Saan ka