DUMIRETSO sila sa isang restaurant. Umupo kaagad si Mikaela at galak na galak siyang pinagmamasdan isa-isa ang kanilang pinamili ni Louie. Kitang-kita naman ni Louie ang reaksyon sa mukha ni Mikaela. Hindi nawawala ang ngiti sa labi ng dalaga maski ang mga mata nito ay kumikislap sa tuwa. Parang walang nangyari. Marahil siguro, talagang wala na si Richard sa puso ni Mikaela. Atsaka na rin panatag ang kalooban ni Mikaela dahil kasama niya si Louie. “Gusto mo na bang simulan ang diary book natin ngayon?” istorbo ni Louie kay Mikaela. “Pwede na ba?” “Of course! You can do whatever you want with our diary book. But remember, write our love story, okay?” sagot agad ni Louie. “Yes!” tuwang-tuwa na sagot ni Mikaela. “Okay, ako na lang ang pipili sa food natin.” Lubos ang kaligayahan na nada