HINDI kumukurap ang mga mata ni Louie, nang palapit na si Mikaela sa kanya. Suot nito ay isang simpleng puting bestida, ngunit eleganteng pagmasdan ang dalaga. Hubog ng katawan ni Mikaela ay kapuna-puna dahil hapit ang kanyang kasuotan. Parang hindi nanganak si Mikaela. Napalunok pa si Louie, nang ngumiti ang dalaga sa kanya. Hindi alam ni Louie kung ano ang nararamdaman niya. Tila ba ay tinatawag siya ng kanyang p*********i. “No! Not this time, pupunta pa naman kami sa bahay ko. Tumigil ka diyan, ‘wag mo akong guluhin,” bulong ng isipan ni Louie. Kinakausap niya ang kanyang pangalawang pagkatao. Iyon ang kanyang p*********i. “Bakit hindi ka nagsasalita? Is there a problem? Bakit nakatulala ka lang?” ‘Saka sinuri ni Mikaela ang kanyang sarili mula paa hanggang ulo. “Am I look— “